- Home
- Joanne Marie Igoy-Escalona
Philippine Folktales
Philippine Folktales Read online
Philippine Folktales
(Filipino)
The stories contained in this book were adapted from the stories of Dean S. Fansler, Mabel Cook Cole, and others which originally appeared in the Project Gutenberg website and are part of the public domain.
The retellings/adaptations and translations of the stories are © Joanne Marie Igoy-Escalona and Anvil Publishing Inc., 2015.
The design and layout of the book were art directed by Katrina Guevarra and Ramón C. Sunico.
Illustrations copyright © Mary Cuenca, 2015.
The Teacher’s Guide was written by Ramón C. Sunico and Katrina Guevarra based on an outline provided by Joanne Marie Igoy-Escalona and are © Ramón C. Sunico, Katrina Guevarra, and Anvil Publishing Inc., 2015. It was translated into Filipino by Eilene G. Narvaez.
All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by any means without the written permission of the copyright owners and the publisher.
Published and exclusively distributed by
ANVIL PUBLISHING INC.
7th Floor Quad Alpha Centrum Building
125 Pioneer Street
Mandaluyong City 1550 Philippines
Telephones: (632) 477-4752, 477-4755 to 57
Locals 815 and 817
Fax: (632) 747-1622
www.anvilpublishing.com
The National Library of the Philippines CIP Data
Recommended entry:
Philippine folktales / Joanna Marie
Igoy-Escalona, patnugot. -- Mandaluyong
City : Anvil Publishing, Inc., c2015.
pages ; cm
ISBN 978-971-27-3187-7 (e-book)
Filipino text.
1. Tales -- Philippines -- Juvenile literature.
2. Children’s stories, Filipino. 3. Children’s stories
-- Illustrations -- Juvenile literature. I. Escalona,
Joanna Marie Igoy-.
GR325 398.20959908 2015 P520150184
ACKNOWLEDGMENTS
We would like to acknowledge the following for sharing
their expertise in editing the seven other editions of
Philippine Folktales:
• Genevieve Asenjo–Hiligaynon
• Sergio Bumadilla–Pangasinense
• Ma. Eloisa N. Francisco–Kapampangan
• Haidee Palapar–Cebuano
• Eilene G. Narvaez–Filipino
• Clesencio B. Rambaud–Iloko
• Paz Verdades M. Santos–Bikol
MGA NILALAMAN
Dean S. Fansler
Ang Ginintuang Tuntunin
The Golden Rule
Ang Uwak at ang Lamiran
Auac and Lamiran
Ang Kalapati at ang Uwak
The Dove and the Crow
Ang Nawawalang Kuwintas
The Lost Necklace
Ang Unggoy at ang Buwaya
The Monkey and the Crocodile
Ang Kuwento ng mga Daliri
The Story of Our Fingers
Ang Pitong Kuba
The Seven Humpbacks
Kung Bakit Laylay ang Balat sa Leeg ng Baka
Why the Cow’s Skin Is Loose Around Its Neck
Ang Paglilitis sa mga Hayop
The Trial Among the Animals
Ang Di-Pantay na Laban: O Kung Bakit Hati ang Kuko ng Kalabaw
An Unequal Match: Or Why the Carabao’s Hoof Is Split
Ang Pagong at ang Matsing
The Turtle and the Monkey
Si Maria at ang Ginintuang Tsinelas
Maria and the Golden Slipper
Mabel Cook Cole
Ang Araw at ang Buwan
The Sun and the Moon
Ang Lalaki at ang Kaniyang mga Niyog
The Man with His Coconuts
Paano Nagkaroon ng Buwan at mga Bituin
How the Moon and the Stars Came to Be
Ang Kalabaw at ang Suso
The Carabao and the Snail
Ang Unang Matsing
The First Monkey
Ang Laban ng mga Alimango
The Battle of the Crabs
Ang Pangulong Nagkaroon ng Sungay
The President Who Had Horns
Bakit Ikinakawag ng mga Aso ang Kanilang Buntot
Why Dogs Wag Their Tails
Iba pang May-akda
Ang mga Bata sa Kagubatan
Children in the Woods
A NOTE FROM THE EDITOR
These stories that were translated into seven mother tongues (Tagalog, Iloko, Kapampangan, Bikol, Cebuano, and Hiligaynon) were taken from The Project Gutenberg e-book of Filipino Popular Tales by Dr. Dean S. Fansler, Philippine Folktales by Mabel Cook Cole, and Philippine Folktales by Clara Kern Bayliss, Berton L. Maxfield, W.H. Millington, Hetchner Gardner, and Laura Watson Benedict. The original copyrights of Fansler’s and Cook’s books were in 1921 and 1916 respectively. The e-book versions for these books were released by Project Gutenberg on December 9, 2008 (Fansler), March 27, 2008 (Cole), and February 10, 2004 (Bayliss, Maxfield, Millington, Gardner, and Benedict). In the e-book versions, it was stated that the book is for the use of anyone, anywhere at no cost, with almost no restrictions whatsoever.
In the Preface to Fansler’s book, the author pointed out that the folktales were collected in the Philippines from 1908 to 1914. The language in which the stories are presented, is the language in which they were collected and written down–English. The stories included in the book were hero tales and drolls, beast stories and fables, myths, legends, fairy tales, and pourquoi or “just so” stories.
In 2012, DepEd released DO No. 16 s. 2012 otherwise known as the Mother Tongue-Based Multi-lingual Education Program (MTB-MLE) for kindergarten to Grade 3. The order states that the pupils’ mother tongue will be used to teach all learning areas. This was to be implemented in SY 2012-2013. The program focuses on academic development to prepare the learners to acquire mastery over language and culture. It also seeks to improve socio-cultural awareness which enhances the pride in the learners’ heritage.
As seminar coordinator of the Philippine Association for the Career Advancement of Educators (PACAE), I organized and conducted seminar-workshops for kindergarten and primary level teachers all over the Philippines. This has been going on for almost three years now. I have listened to the problems and needs of teachers from all four levels regarding the lack of reading materials in the mother tongues. It is because of this need that I took the initiative to have these stories translated.
I chose to turn to tradition for the needed stories. What you’ll see in this book are the more popular stories that were narrated to me as a child. These stories were orally handed down by my grandparents to my parents, which they in turn narrated to me. My friends and I enjoyed listening to these stories when we were children.
These stories are appropriate in terms of content, language, and pedagogy. The teachers may use them during storytelling time. They reflect the culture, traditions, and beliefs of people in different places in the Philippines. They teach the pupils Filipino values such as love for parents, respect for elders, respect for the rights of others, obedience, etc. This is therefore in consonance with the focus of the MTB-MLE Program regarding the promotion of the learner’s heritage.
With the attractive illustrations provided by Mary Cuenca and the publisher, children will enjoy reading the stories not only in school but also at home. The five macro skills such as listening, speaking, reading, writing, and viewing will continuously be developed.
The folktales are appropriate in terms of language because the mother tongue is used in narrating/reading them. Studies have proven that learners who begin in their mother tongue have more efficient cognitive development and a
re better prepared for more cognitively demanding subject matter. They tend to be smarter if they start education using their mother tongue.
The translated stories were shown to two consultants of DepEd involved with the MTB-MLE program. We have followed their recommendations to keep the language close to the way the children use them at home. This means we have edited the stories to make the language more informal and less academic.
In the translation of the stories, I sought the help of college professors, teachers, and writers who have been trained in translation work and who have been translating literature such as stories, poems, songs and other materials in the native tongue of the province/region they come from.
Joanne Marie Igoy-Escalona
Dean S. Fansler
ANG GININTUANG TUNTUNIN
Ikinuwento ni Cipriano Serafica,
isang Pangasinense mula sa Mangadan, Pangasinan
Noong unang panahon, may mag-asawang nakatira sa isang bayan. May isa silang anak. Sa loob ng mahabang panahon, magkasamang namuhay nang masaya ang tatay kasama ang anak niyang lalaki at ang kaniyang asawa. Subalit nang siya ay tumanda na, humina na rin ang kaniyang katawan. Palagi siyang nakababasag ng plato sa tuwing kumakain siya sa mesa. Nanginginig na kasi ang mga kamay niya. Hindi nagtagal, nagalit ang anak sa pagiging lampa ng tatay niya. Kaya isang araw, iginawa niya ito ng mapagkakainang pinggan na kahoy. Ang pinggang kahoy na ito na ang nagsilbing kainan ng kaawa-awang matanda.
Nang mapansin ng lalaking apo ang ginawa ng kaniyang tatay, kumuha siya ng ilang gamit pangkarpintero at nagpunta sa ilalim ng bahay. Nang makita siya ng tatay niya, tinanong siya nito, “Anak, ano ang ginagawa mo? Sumagot ang anak, “Tay, iginagawa ko kayo ni Ina ng pinggang kahoy para sa inyong pagtanda.” Pagkarinig sa mga salita ng anak, tumulo ang mga luha ng ama.
Simula noon, pinayagan na ang matandang lalaki na kumain sa mesa kasama ng buong pamilya. Hindi na siya pinakakain sa pinggang kahoy.
ANG UWAK AT ANG LAMIRAN
Ikinuwento ni Anastacia Villegas ng Arayat, Pampanga.
Narinig niya ang kuwentong ito mula sa kaniyang ama,
at ayon sa kaniya’y sikat ito sa mga Kapampangan.
Minsan, nagnakaw si Uwak ng daeng na isda na nakabitin at pinatutuyo sa ilalim ng araw. Inilipad niya ito at siya ay dumapo sa sanga ng punong kamatsile. Dito siya umupo at kumain. Nakita siya ni Lamiran, isang musang na naninirahan sa paanan ng punongkahoy. Tumingala si Lamiran at nagsabi, “Napakaganda naman ng makintab at itim mong balahibo, Uwak.” Nagmukhang kagalang-galang ang Uwak nang marinig niya ang papuri. Siyempre, lalo siyang natuwa. Ipinagaspas niya ang kaniyang pakpak. “Katangi-tangi ang ganda mo Uwak lalo na kapag naglalakad ka. Napakahinhin mo kasing kumilos,” dugtong ni Lamiran.
Dahil hindi agad nahalata ni Uwak ang panloloko sa kaniya, nagpalipat-lipat siya sa mga sanga na para bang isang hari. “Narinig ko kahapon na malamig at matamis daw ang boses mo at ang lahat ng nakaririnig ay nabibighani. Puwede ko bang marinig ang ilan sa iyong mga nota, makisig na Uwak!” sabi ng tusong Lamiran. Pakiramdam lalo ni Uwak na kapuri-puri at kagalang-galang siya kaya ibinuka niya ang kaniyang bibig at umawit, “Uwak, uwak, uwak, uwak!” Habang kumakanta siya, nahulog sa lupa ang isda na nasa tuka niya. Kinuha naman ito ni Lamiran.
Nakita ang buong pangyayari ng tagak na nasa likod ng kalabaw. Sabi niya, “Uwak, papayuhan kita. Hindi mo dapat paniwalaan ang lahat ng sinasabi sa iyo ng iba. Isipin mo ang makabubuti para sa sarili mo. Tandaan mo rin na hindi kailanman magtatagumpay ang masama.”
ANG KALAPATI AT ANG UWAK
Ikinuwento ni Restituto D. Carpio,
isang Zambal mula sa Cabangan, Zambales.
Ilang araw makalipas ang pagbaha sa mundo, inutusan ng Diyos ang uwak na pumunta sa mundo upang malaman kung gaano kalalim ang tubig sa lupa. Nang nasa mundo na siya, namangha siya sa nakitang dami ng hayop na namatay sa lahat ng dako. Naisip niyang mukhang masarap ang mga ito, kaya tumungtong siya sa isa at sinimulang kainin ito. Natuwa siya sa labis-labis na dami ng pagkain sa paligid niya. Hanggang sa nalimot niya pati ang utos sa kaniya ng Panginoon. Dahil rin dito, nanatili siya sa mundo.
Sa ikatlong araw, hindi pa rin bumabalik ang uwak. Inutusan ng Diyos ang kalapati na pumunta sa mundo upang malaman ang lalim ng tubig. Sinabihan rin niya itong magmasid pa sa mga bagay na nangyari sa mundo. Dahil ang kalapati ay isang matapat na nilikha, hindi niya nakalimutan ang bilin sa kaniya ng Diyos. Nang marating niya ang mundo hindi siya tumungtong sa kahit anong patay na hayop at sa halip ay tumungtong agad siya sa tubig na noo’y pulang-pula ang kulay dahil sa dugo ng napakaraming namatay na tao. Nang tumayo ang kalapati sa duguang tubig, nakita niya na isang pulgada na lang ang taas. Lumipad siya kaagad pabalik sa langit, at isinalaysay niya sa Diyos kung ano ang nakita niya sa mundo. Ang mapulang kulay sa kaniyang paa ang naging patunay sa lalim ng tubig.
Hindi nagtagal, bumalik na rin ang uwak sa langit. Humarap ito sa Diyos, na nagsabi sa kaniya, “Bakit ka nagtagal? Bakit di ka bumalik nang mas maaga mula sa mundo?” Dahil wala siyang magandang dahilan na maibibigay, di na siya umimik. Yumuko na lang siya.
Pinarusahan ng Panginoon ang uwak sa pamamagitan ng paglalagay ng kadena sa kaniyang mga paa. Kaya mula noon, hindi nakalalakad ang uwak. Ang nagagawa lang niya ay lumukso-lukso mula sa isang lugar. Ang kalapati na napakatapat sa Panginoon, ang siya nang paboritong alagang ibon sa buong mundo. Ang kulay pula sa kaniyang mga paa ay patunay sa kaniyang pagtupad sa utos ng Diyos.
ANG NAWAWALANG KUWINTAS
Ikinuwento ni Facundo Esquivel, isang Tagalog,
at narinig niya ang kuwento mula sa isang
kaibigang Tiga-Cebu. Ito ay kuwentong Bisaya.
Noong unang panahon, may isang uwak na bumili ng magandang kuwintas mula sa isang mangangalakal. Ipinagmamayabang niya ang nabili kaya isinabit niya kaagad ito sa leeg niya upang makita ng lahat. Pagkaraan, lumipad siya sa malayo hanggang sa nakarating sa isang magandang maliit na hardin. Doon niya nakita ang matagal na niyang kaibigan na si Inahing Manok na mayabang na naglalakad sa buong paligid kasunod ang mga sisiw niya. Sabi ni Inahin sa kaniya, “O, napakaganda naman ng kuwintas mo. Maaari ko bang hiramin? Ibabalik ko sa iyo ito bukas na bukas din.”
Gusto ni Uwak ang inahin kaya kusang ipinahiram nito ang kuwintas sa loob ng isang araw.
Kinaumagahan, bumalik si Uwak para sa alahas niya. Nakita niya si Inahin at mga sisiw na nangangalaykay sa lupa malapit sa lumang pader. “Nasaan ang kuwintas ko?” tanong ni Uwak.
“Nawawala,” sagot ni Inahin. “Kinuha ito ng mga sisiw ko kahapon habang natutulog ako at ngayon hindi na nila matandaan kung saan nila ito nailagay. Maghapon na kaming naghanap ngunit hindi pa namin ito nakikita.”
“Kailangang bayaran ninyo ito kaagad,” wika ng uwak. “Kung hindi, pupuntahan ko ang hari at sasabihin kong ninakaw ninyo ang kuwintas ko.”
Natakot ang inahin sa sagot na ito. Nagsimula siyang mabahala kung paano siya makaiipon ng perang kailangan. Ang uwak na papunta noon sa isang pista ay nayayamot na nagsabi, “Kukuhanin ko ang isa sa mga sisiw mo kada araw bilang kabayaran sa utang mo. Kapag nahanap mo ang kuwintas, ibigay mo kaagad sa akin. Saka ko lang titigilan ang pagkain sa mga sisiw mo.” Napilitang makontento ang inahin sa kasunduang ito, sapagkat kung tatanggi siya, baka magpunta ang uwak sa hari.
Hanggang ngayon, makikita mo na magkasama ang inahin at ang mga sisiw na nangangalaykay sa lupa sa paghahanap sa nawawalang kuwintas. Ang mga uwak naman ay patuloy na naghahanap ng bayad sa nawawalang alahas sa pamamagitan ng pagkain ng mga sisiw. Sinasabi na ang mga inahin at sisiw ay di kailanman titigil sa pagkahig sa lupa hangga’t hindi nahahanap ang nawawalang kuwintas.
ANG UNGGOY AT ANG BUWAYA
Ikinuwento ni Engracio Abasala ng Maynila.
Narinig niya ang kuwento mula sa pamangkin niya.
Isang araw, habang naghahanap ng pagkain ang matalinong unggoy sa tabi ng ilog, nakita niya ang puno ng makopa na hitik na hitik sa hinog na bunga. Ang puno ay nasa kabilang pampang lang ng ilog kung saan nakatira ang batang buwaya. Matapos niyang makain ang lahat ng prutas na gusto niya, bumaba n
a sa puno ang unggoy at napagpasiyahang pumunta sa kabila ng malawak na ilog, ngunit hindi niya alam kung paano. Sa wakas, nakita niya ang buwaya na kagigising lamang mula sa kaniyang siyesta.
Magiliw na nagwika ang unggoy, “Mahal kong buwaya, puwede bang humingi ng pabor?”
Nabigla ang buwaya sa ganitong kabait na pagbati ng unggoy.
Pero mapagkumababa itong sumagot, “Oo ba! Kung anuman ang maaaring maitulong ko sa iyo, malugod ko itong gagawin.”
Sinabi ng unggoy sa buwaya na gusto niyang pumunta sa kabilang dako ng ilog.
Sabi ng buwaya, “Buong puso kitang ihahatid doon. Umupo ka lang sa likod ko at aalis tayo kaagad.”
Nang nakapirme na sa pagkakaupo ang unggoy sa likod ng buwaya, nagsimula na silang maglakbay. Hindi nagtagal, narating nila ang kalagitnaan ng ilog, at nagsimulang humalakhak ang buwaya.
“Ngayon, unggoy na uto-uto,” sabi niya, “kakainin ko ang iyong atay at mga bato dahil gutom na gutom na ako.”
Kinabahan ang unggoy pero hindi niya ipinahalata. Sa halip, sinabi niya, “Pinaghandaan ko na yan! Naisip ko nang baka nagugutom ka kaya inihanda ko na ang aking atay at mga bato para sa hapunan mo. Sa kasamaang-palad, naiwan kong nakasabit ang mga ito sa puno ng makopa dahil sa pagmamadali natin. Masaya ako na nabanggit mo iyan. Bumalik tayo at kukunin ko ang pagkain para sa iyo.”
Sa pag-aakala ng uto-utong buwaya na nagsasabi ng totoo ang unggoy, bumalik ito sa tabing-ilog na pinanggalingan nila. Nang malapit na sila, mabilis na lumundag ang unggoy sa tuyong lupa at kumaripas ng takbo paakyat sa puno.
Nang makita ng buwaya kung paano siya nalinlang, sabi niya, “Isa akong uto-uto”.